Miss Prim And The Billionaire

Ratings :


Date Issue : Aug. 20, 2021
Publisher : Harlequin Mills & Boon
Author : Lucy Gordon
ISBN : 978-971-02-8460-3
Price : FREE
  Share by Twitter


About This Book

“Kung kaya kong makuha ang kahit sinong lalaki ay kaya ko rin silang tanggihan. Ako ang pipili ng lalaking gusto ko. Huwag mong kalilimutan iyon.” Tila hindi marunong magseryoso sa pag-ibig si Marcel Falcon. Para sa kanya, isang laro lang ang pakikipagrelasyon. Pero ang totoo, puno ng galit at paghihirap ang kanyang puso dahil sa isang hindi magandang karanasan sa pag-ibig. Dinibdib niya nang husto ang kabiguan nang pagtaksilan siya ni Cassie, isang sikat na modelo at ang nag-iisang babaeng minahal niya. Binago rin si Cassie ng pagtalikod niya kay Marcel. Isinakripisyo niya ang kanyang damdamin at nagpakasal sa isang lalaking hindi naman niya mahal para maprotektahan si Marcel. Nauwi naman ang pagpapakasal niya sa hiwalayan. Dahil doon, nawalan na si Cassie ng kumpiyansa sa sarili. Kaya ngayon, itinatago niya ang kanyang ganda at model looks sa likod ng prim glasses at business suits. At pagkalipas ng maraming taon, nagkitang muli sina Marcel at Cassie sa Manila. Boss na ni Cassie si Marcel. Napakalaki man ng pagbabago ng dalawa, idagdag pa ang panay na pag-aaway at sumbatan, hindi maikakaila ang matinding atraksiyon sa pagitan nila. Puwede pa kaya nilang ibalik sa dati ang kanilang pag-iibigan? O huli na ang lahat para itama ang nakaraan?


Related Stories